Ang lalaking sinungaling
10:38 p.m. :: 2006-12-30

Sa lahat ng pinakaayaw ko ay ang isang lalaki na manloloko.

Hindi ako sanay na sabihin ang galit ko sa blog na to. Pero gagawa ako ng exception. Galit na galit ako syo. Alam mo na kung punyetang sino ka..Punyeta ka talaga..

Ang dami dami kong gusto sabihin syo..

Alam mo ba na napakaselfish mo.. super selfish mo.. kala mo kung sino ka, wala ka namang nararating. ang sama ng ugali, sa totoo lang. ikaw ang puno't dulo ng lahat ng ito.. GAGO ka, alam mo ba yun.. Dapat ngayon alam mo na.. Ang laki laki mong TANGA!! Wala ka pa ring pinagbago simula nung unang araw kitang nakilala 6 na taon na ang nakakaraan. Lumaki ka lang pero walang nagbago syo. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Ang dami dami ng nangyari sa buhay mo na dapat nagbago ka na pero ano.. hindi ka matinag. Hindi ko alam kung bato ka lang o natural na tanga.. Kung ano man sa dalawa, mahiya ka!!

Ewan ko kung ano ang nakita ko syo.. puta, hindi naman kita nakikita ah.. Magaling ka lang sa salita pero ni minsan wala sa mga sinabi mo ang tinupad mo.. alam mo na siguro kung ano ang mga un.. o baka gusto mo pa na isa-isahin ko pa sila lahat uli? Baka pag ginawa ko un, hindi ka na makatayo sa kinauupuan mo dahil ngayon mo lang o kaya isahin din kaya natin lahat ng ginawa mong katarantaduhan skin, aber? ano.. umpisahan ko na ba? Napakasama ng ugali mo.. Hindi ako masamang taong, kung sama lang ng ugali ang pag uusapan natin, walang wala ako sa punyetang ugali mong yan.. Minsan ba naisip mo na ang daming binigay na blessings ng Diyos sayo pero wala sa isa sa kanila ang kinilala mong biyaya.. Hindi ka marunong magshare. Sarili mo lang talaga ang iniisip pero kahit yang sarili mo hinding hindi mo maayos.. Sayang, matalino ka pa naman..

Hindi ko alam kung pano naatim ng sikmura mo ang mangako ng mangako knowing na kahit isa sa kanila wala kang tutuparin? Ang tindi ng konsensya mo!!

Tarantado ka!!

Manloloko!!

Sinungaling!!

Manggagamit!!

ilan lang yan sa mga salita na bagay itulad syo..

Galit na galit ako syo.. Ngayon lang ako magagalit ng ganito katindi.. HAYOP KA... Kinamumuhian kita.

Kung ano man ang rason sa mga ginagawa mo, kasalanan mo lahat yun. Akala mo ikaw na lang ang laging lugi dito, maling mali ka,, dahil alam mo ikaw ang madaya simula't sapol.. Akala mo hindi ko alam ang ginagawang mong pagsisinungaling simula nung nakaraan taon? ang pagpapanggap mo?! alam ko yun.. matagal na. Ngayon, sino sa tin ang niloloko.. Huwag mo kong gawing tanga.. dahil hindi ako ganun!!!!!!!!

Kulang ang lahat ng mura sa lahat ng lenggwahe para ipadama ang galit ko syo.. tandann mo yan!!!!!

old :: new

Latest
Archives
Friendster
book
email
Pixies
design
diaryland